MAMAYA ang huling gabi ng Encantadia matapos ang 10-month run nito sa ere.

Ang sabi ni Glaiza de Castro na gumaganap bilang Sang’gre Pirena, ang dami niyang na-experience sa Enca na hindi niya naranasan sa kanyang past shows.

Malungkot siya na magwawakas na ito, pero masaya siya dahil madadala niya ang mga natutunan niya sa programa.

Si Sanya Lopez na napansin nang husto at napuri ang galing sa pagganap bilang Sang’gre Danaya ay hindi na makakalimutan ang seryeng ito na nagpabago ng kanyang buhay.

Bukod sa ang daming natutunan dito ni Sanya ay naka-close niya ang lahat ng mga nakatrabaho niya sa nasabing telefantasya.

Si Gabbi Garcia na gumaganap bilang Sang’gre Alena ay nami-miss na kaeksena ang kanyang mga kapatid sa Enca.

Para kay Gabbi, iba ang feeling kapag silang tatlo ang magkakasama sa eksena.

Ang isa pang Sang’gre, si Amihan na ginampanan ni Kylie Padilla ay hindi rin makakalimutan ang programang ito, na kung maaari lang ay sobrang gustong bumalik ni Kylie dahil nami-miss niya si Amihan at ang kanyang mga kasama.

Ang mensahe ni Direk Mark Reyes lalo na sa masusugid na Encantadiks, “To be able to direct and recreate the fantasy show that the Filipinos truly love is an honor. To make it as successful as the original one is a blessing.

“Avisala Eshma to everyone who believed in the magic of Encantadia!”

Huwag kaliligtaan ang finale ng Encantadia ngayong gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.