MAINIT na pinag-­uusapan nitong ­nakaraang weekend ang ­matinding tapatan ng Eat Bulaga at It’s Showtime.

Uminit ang ­intriga dahil sa agawan ng guesting kay Nora Aunor na ang ending sa Eat Bulaga na siya naglaro ng JACKPOT EN POY kasama sina Efren ‘Bata’ Reyes, Ivan Mayrina at Raymund Isaac.

Narinig naming kuwento na merong pinaghandaan ang It’s Showtime ng bonggang tribute para sa Superstar dahil siya ang pinakasikat na produkto ng TAWAG NG TANGHALAN.

Kaya lang, hindi na siya makakanta.

Si Vice Ganda raw ang dahilan kaya binawi ni Nora ang kumpirmasyon ng guesting sa It’s Showtime.

Hindi raw niya matanggap ang kabastusang ginagawa ni Vice Ganda sa kanya para lang makapagpatawa.

Kung ganu’n, sana nu’ng una pa lang ay tumanggi na siya, ‘di ba?

Sabi ni Nora, hindi raw niya puwedeng tanggihan ang Eat Bulaga dahil ma­laki ang utang na loob ­niya kay Sen. Tito ­Sotto na ­tumulong sa kanya noong pumanaw ang bunso ­niyang kapatid.

Biruan ng mga ­bakla, baka raw nahiya rin si Ate Guy kay Pauleen ­Luna dahil umuupa ito sa dating bahay ng ­misis ni Vic Sotto.

Nag-trending ang guesting ni Ate Guy sa Eat Bulaga, at in fairness, maganda siya roon na malamang make-up artist ng Eat Bulaga ang nag-ayos sa kanya.

Magkakaalaman sa Game of Ratings kung alin ang pinanood ng sambayanan.

***

May ilang pumunta sa It’s Showtime na nagtsika sa amin na marami ang nanghinayang kay Froilan Canlas na isa sa pinakamagaling sa grand finalists.

Totoo bang nadismaya si Froilan dahil hindi niya gusto ang in-assign na kanta sa kanya?

Ang komento ng karamihan, wrong choice daw ang kinanta niyang medley ng songs ni Kuh Ledesma.

Ang gusto raw ­sana niyang kantahin ay Regine Velasquez songs pero wala raw siyang magawa dahil iyun ang in-assign sa kanya.

Samantala ang kay Noven Belleza ay talagang forte niya ang Air Supply songs na ibinigay sa kanya.

Kaya may mga nagkomentong naging ‘Awa ng Tanghalan’ ang nangyari.

Malaking tulong sa 22-anyos na magsasakang taga-Negros Occidental ang napanalunan niya sa TNT na P2M, house & lot mula sa Camella, recording contract sa Star Music, musical instruments package mula sa JB Music, negosyo package, at family vacation package.

“Hindi ako makapaniwala. Nabago po ­talaga ang buhay ko dahil sa TAWAG NG TANGHALAN. Thank you so much sa Showtime fami­ly, pamilya ko, kay Lord.

“Di po ako makapaniwala na sa libu-libong nag-audition, ako po ang nanguna. Ang bait po talaga ng Diyos!” pahayag ni Noven.

Matutubos na ni Noven ang lupang naisanla ng mga magulang niya.

Nangako pa raw ­sina Ogie Alcasid at Rey Valera na ­igagawa siya ng kanta na iri-­record nito.