May ilang kumukuwestiyon sa pagkapanalo ng pinaka­bagong Korean-Japanese girl group na IZ*ONE. Ito ay sa katatapos na 2018 Mnet Asian Music Awards (MAMA) noong December 10 sa DDP.

Sa premiere ceremony na ginanap sa Seoul noong December 10 ay nagpokus sa mga rookie stars o yung mga newco­mers na kade-debut.

Nanalong Best New Female Artist award 2018 ang IZ*ONE. Sila ang nabuong grupo mula sa Mnet’s survival show na “Produce 48” at nag-debut noong October 29 pa lamang with their mini-album “COLOR*IZ” with their single, “La Vie en­­ Rose.”

Sumunod lang sa kanila or runner-up ang girl group na (G)I-DLE na tinawag na Best of Next award at the awarding.

Ang (G)I-DLE ay six-member girl group mula sa Cube Entertainment at nag-debut noong May 2 with the mini album “I Am” featuring the title track “LATATA.” Nasundan ng ikalawang single na “HANN” noong August.

Sa history ng MAMA, hindi lang nga­yon nagbigay ng The Best of Next award. Unang nabigyan nito ang BLACKPINK noong 2016 MAMA kunsaan, ang “Produce 101” na I.O.I naman ang tumanggap ng Best New Female Artist award. Noong 2017 MAMA, ang PRISTIN ang nanalong Best New Female Artist at Best of Next award naman ang Chungha.

Sa pagkakataong ito, may kumukuwestiyon sa pagkapanalo ng IZ*ONE. Isa sa sinasabing dahilan, ang (G)I-DLE ay naunang sa Mwave online poll for Best New Female Artist bago pa ang cere­mony, with 51.91 percent of the votes. IZ*ONE came in second with 17.64 percent of votes.

Yun nga lang, hindi lang naman sa online votes ang factor para manalo. Nandiyan ang expert evalua­tion, album sales, MV views, live broadcast votes at iba pang kinokonsider.

Ilang netizens ang naniniwala at nagsasabing dapat pa rin daw, ang (G)I-DLE ang dapat na nanalo dahil sila ang leading sa online votes.

Dahil sa mga ganitong komento, may source sa Mnet ang sumagot na lumabas sa news outlet na Segye Ilbo, “It’s true that (G)I-DLE gained many votes online, but they fell behind in album sales.

“There were no manipulation or (unfair) intervention in the awards.”

Sa isang banda, sa loob lang halos ng wala pang dalawang buwan simula nang mag-debut ang 12 members group na IZ*ONE nanalo na rin ito ng Rookie of the Year Award sa Asian Artist Awards. Nominated din ito sa mga magaganap pang awarding tulad ng Golden Disc Awards, Melon Music Awards at Seoul Music Awards.