HINDI pala malinis sa katawan itong isang award winning actress (AWA). Mabaho pala siya.
Ayon sa aming reliable source (isa ring artista) nakatabi niya raw itong si AWA sa isang event. Naloka raw siya dahil habang nag-uusap sila nito ay umaalingasaw raw ang mabahong amoy ng katawan nito. Parang nabubulok daw na basura. Gusto na nga raw niyang masuka habang kausap ito.
Pinigil na lang daw niya ang sarili. Ang ginawa na lang daw niya, nagpaalam siya rito na iihi siya. Pero kunwari niya lang daw ‘yun Hindi naman daw siya naiihi . Hindi na raw kasi niya matagalan ang amoy ng award winning actress.
“Ewan ko ba sa kanya kung hindi siya aware na mabaho siya. Grabe talaga ang amoy niya,’di ko kinaya!”sabi ng aming source
Sino si AWA? Nagsimula siyang mag-artista nu’ng bagets pa siya Dati ay sunod-sunod ang serye na ginagawa niya. Pero ngayon ay wala siyang proyekto. Baka naman kasi nabahuan din ang production stafff sa kanya. Hindi kaya? (Rommel Placente)