Pinag-uusapan na ng UAAP Board ang pagbago sa kanilang volleyball individual awards format na ibabase sa Fédération Internationale de Volleyball (FIVB) standards para sa Season 81 na magbubukas sa Pebrero.
“Well, isa ‘yan sa napag-usapan naming innovations sa volleyball. Sabi namin susundan namin ‘yung international (standard) kasi by position ang international,” wika ni Board member Rod Roque, UE Athletic Director at UAAP Representative sa Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc.
“So we might do it this year. So depende tomorrow kung ma-approve namin ‘yun then we will implement right away kasi mas marami kang mabibigyan kung position. Pabor sa players mas maganda.”
Kung ipatutupad ang FIVB indivudual awarding format, magiging by positon ang individual awards ng best two outside hitters, two middle blockers, opposite hitter, setter, libero at MVP.
“Favorable naman ‘yung response ng walong schools kasi mas maraming mabibigyan ng award so I think ma-approve ‘yun,” hirit pa ni Roque.
Hinirit rin ni Roque na dapat nang maging advanced at updated ang UAAP sports.
“Alam mo na ‘yung tradition, tradition we keep on following the tradition, tradition, well hi-tech dapat sumusunod tayo sa panahon, sa trend and that is the trend now we might as well do what is right,” panapos niya.