Ilang araw na lang ay Pasko na. ‘Pag ganitong okasyon ay ‘di maiwasang kumain nang kumain dahil na rin sa kaliwa’t kanang handaan at okasyon.
Dahil mahirap minsang magpaawat sa masasarap na nakahain lalo na sa mga matatamis ay nanganganib na namang umatake ang sakit na diabetes.
Para maiwasan ito, payo ni Dr. Willie Ong na iwasan o limitahan ang mga sumusunod:
1. White rice, sinangag / fried rice
2. White bread
3. French fries
4. Mami, miki
5. Pritong baboy at baka
6. Huwag piliin ang ribs at T-bone
7. Bacon, ham, hotdog, salami
8. Balat ng manok
9. Pritong isda
10. Gulay na nilagyan ng butter
11. De-latang prutas at matatamis na fruit juices.