AWESOME MIX!

Chriss Pratt

PIYESTA na naman ang Marvel fans sa pagbubukas today ng Guardians of the Galaxy Vol. 2 sa mga sinehan sa Pilipinas.

Big hit at pinuri ng critics ang Guardians of the Galaxy nu’ng 2014, kaya heto na ang sequel 3 years after.

Nagbabalik ang kuwelang gang of space misfits para sa isa na namang masayang galactic adventure.

Benta pa rin ang mga kagaguhan ng machong bida na si Peter Quill a.k.a. Star-Lord (Chris Pratt) na may sexual tension sa seksing green-skinned assassin na si Gamora (Zoe Saldana).

Patok pa rin ang dala­wang CGI characters na paborito ng fans: ang wise-ass raccoon na si Rocket (boses ni Bradley Cooper) at ang napaka-cute na si Baby Groot (boses ni Vin Diesel).

Anak ito ng tree-like humanoid na si Groot (na isinakripisyo ang sarili nito sa original film) na walang ibang dayalog kundi, “I am Groot.”

Ang mala-Hulk na si Drax the Destroyer (Dave Bautista) ay tila naka­hanap ng ka-loveteam sa female alien na si Mantis (Pom Klementief).

Laugh trip ang mga swabeng panlalait ni Drax kay Mantis kahit halatang type na type niya ito.

Ang half-human, half-god na si Star-Lord ay may daddy issues kay Ego The Living Planet (Kurt Russell) na nagpa­kilalang ama niya.

Hindi lang pala taga­pangalaga ng galaxy si Star-Lord, puwede rin siyang maging diyos ng kalawakan kung gusto niya, sa tindi ng kapangyarihang bigay sa kanya ni Ego.

Si Gamora ay may sibling issues sa psycho sister nitong si Nebula (Karen Gillian).

In fairness sa blue-skinned surrogate father ni Quill na si Yondu Udonta (Michael Roo­ker) na dating kontrabida, mas bumongga ang role niya rito sa Vol. 2 at mamahalin ng fans ang kinaiinisang space pirate karakter niya.

Kaswal pa ring bumato ng mga joke at kung anu-anong kabulastugan si Chris Pratt at ang tropa niya.

Tadtad ng punchlines ang pelikula at parang bawat eksena ay sinisi­ngitan ng funny one-li­ners kaya LOL pa more ang audience.

Wagi ang Awesome Mixtape Vol. 2 na soundtrack ng movie at hindi namin in-expect ‘yung touching moment sa en­ding na nagpa-cry sa amin.

Bet namin ang eksenang ‘yon na lalong nagkaroon ng ‘feels’ dahil sa awiting Father and Son ni Cat Stevens.

Iba pa rin ‘yung wit at pagka-fresh ng original, pero garantisadong pampa-happy at pampa-good vibes pa rin ang Guardians of the Galaxy Vol. 2!