Edgar Allan Guzman
Edgar Allan Guzman

MASUWERTE kay Edgar Allan Guzman ang 2016, at gusto niya na ngayong 2017 ay maibigay na niya ang matagal na niyang pangarap sa kanyang pamilya.

Ipinost ni Edgar sa Instagram ang lupang nabili niya at balak niyang patayuan na niya ito ng bahay para sa kanyang pamilya.

“Nakaplano na po talaga, kasi dati last last year, 2015 hindi pa po pumasok sa akin na kailangan ko na mag-ano para sa future ko, para sa pamilya ko.

“Pero ngayon ang utak ko, biglang nagbago na kailangan may timeline na agad na kailangan, March, tayo na ‘yan.

“At after niyan, negosyo na ‘yan para sa pamilya ko,” pahayag ni Edgar sa presscon ng pelikula niyang Tatlong Bibe na magsu-showing na sa March 1.

Isasantabi muna ni EA ang para sa sa­rili dahil kailangang unahin niya ang pamilya.

Pangako niya ito sa nanay niya na kailangan matupad ang pangarap ng namayapa niyang ama na maipagpatayo sila ng bahay.

“Family ko po muna siyempre. Ang nanay ko po muna, kasi, hindi naman po bata na ang nanay ko, eh.

“Hindi natin alam, huwag naman, di ba? Hindi natin hawak ang buhay ng tao.

“So ako, ‘yung pangako ng daddy ko sa kanya, gusto ko, ako ang magbigay sa kanya.

“Tapos, after nu’n, ako na. Sarili ko na,” seryosong pahayag ng Kapamilya actor.

***

Awra
Awra

Natawa si EA nang nabanggit namin sa kanya ang kakaibang Face Sounds Familiar ngayon na child wonders ng ABS-CBN 2 naman ang mga kasali.

“Napanood ko nga! Sobrang aliw na aliw ako kay Awra, ang galing niya, grabe!

“Nag-flashback sa akin ‘yung du’n sa iconator na pagpihit ko, nag-flashback sa akin ‘yung lahat na ginawa ko na sinabi ko na sobrang sarap sa feeling na naging part ako at kami ang first batch ng mga artista na nakasama sa Your Face.

“Tapos ngayon, mga bata na sobrang talented din, lalo na si Awra.

“Si Awra talaga, siya ‘yung Melai ng show, eh.

“Ako, kay Awra ako, at support ko siya sa Your Face, at excited ako,” pahayag ni Edgar Allan.