Malabong makapag-perform si Awra Briguela sa concert ni Riva Quenery na RIVLOG LIVE sa May 27 sa Skydome SM North Edsa dahil inoperahan siya sa appendix.
Mababasa sa Instagram ni @awrabriguela, “Ate Riva madaming madaming salamat sa love ate. Grabe nalaman mo lang na nasa ospital ako ang bilis mo akong pinuntahan tapos nung nasa ‘OPERATING ROOM’ ako nandyan ka lang hanggang matapos yun salamat sa pag-pray mo sa’kin. Love you ate never kong na-feel na hindi ako importante sayo.”
Nag-abot din ng mensahe na magpagaling agad si Awra sa comments section ng IG niya sina Jhong Hilario, Ryzza Mae Dizon, Ylona Garcia, Simon ‘Onyok’ Pineda, Chesca Garcia Kramer, Hashtag CK, Kyle Echarri at Arjo Atayde. Nagsabi rin si Arjo na dadalawin niya ang child star. Binisita naman siya sa ospital ni AC Bonifacio.
Ang napansin lang namin hindi nag-reply si Awra sa mensahe ni Onyok samantalang nagpasalamat siya sa ibang artista. Dedma rin siya sa mensahe ni Ryzza na ‘get well soon crushy’.
May Ganun?
Piolo tinaob si John Lloyd
Nawala na talaga si John Lloyd Cruz sa mga pinagpipiliang endorser dahil si Piolo Pascual ang lumitaw sa survey ng HYPE na pinaka-in-demand Kapamilya actor na endorser.
Kung si Piolo ang idinagdag sa sitcom na ‘Home Sweetie Home’ nu’ng mawala si Lloydie , si Piolo pa rin ang napili ng Hype Transport Company na mag-endorse ng bagong kalaban ng Grab. Ang ibig sabihin ng HYPE ay Honest, Young, Professional at Enabling drivers.
Hangang-hanga ang CEO ng Hype na si Mr. Nick Escalante at ang COO na si Ms. Jen Silan dahil madaling kausap ang aktor pati na ang management. Willing suportahan ni Papa P ang naturang transport company lalo’t nalaman niyang mga Pilipino ang nasa likod nito.
Natawa naman sila nu’ng biruin namin na baka isa si Piolo sa may-ari ng Hype. Pero sabi ni Mr. Escalante abangan na lang daw kung magsi-share ng stock si Piolo dahil negosyante na rin ang magaling na aktor.
Pormal na ilulunsad sa SMX MOA ang Hype sa May 27 na kung saan puwede nang magpa-book sa May 28. Mag-download lang ng app nito. Puwede rin daw mag-book ng ride thru SMS.
Talbog!
***
Maraming taga-showbiz ang nagkainteres na dumalo sa sanib-puwersa ng John Calub Training International at Token News Hong Kong sa gaganaping Digital Marketing E-Commerce and Blockchain Congress 2018 sa May 26 sa Grand Ballroom ng Luxent Hotel, Timog, Quezon City mula 8 a.m. hanggang 6 p.m.
Sa ginanap na press conference kamakailan, idiniin ni John, ang tinaguriang Philippines’ number one Success Coach and CEO of Success Mall, na puwedeng mag-whole day series ang mga kababayan natin sa learning session na ito na interesadong maranasan ang digital transformation sa kanilang negosyo at gustong magkaroon ng financial freedom. Turning digital na kasi ang pagpasok sa investment ngayon pero kailangang secure, trustworthy e-commerce transactions through blockchain technology.
Ang ilan pa sa magiging keynote speaker sa event ay sina Carl Ocab, who was recently featured in the cover of Forbes’ Magazine as one of the Internet Millennial Millionaires (30 Under 30 Cover Story); Michael Brucal, CEO of ZendCreative; Ariel Wanag, President of CryptoMaster Traders; Akili Polee, CEO Of Pinnacle Mining (US); at Riku Onuma.
Anyway, ang first 250 participants na magri-register ay makakatanggap ng libreng bitcoin at special prizes from the workshop games. Tumawag sa 877-9479 o mag-text sa 09151098357 sa mga gustong dumalo.