Ayaw pa-rehab tatay nag-suicide

Sa halip na sa rehabi­litation center ang bagsak mas minabuti ng isang ama na kitilin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti matapos malaman nitong ipapa-rehab siya ng kanyang pamilya sa Pasay City kahapon.

Nakilala ang biktima na si Ricky Alzalte 42-anyos, may asawa, pedicab driver, nakatira ng No. 40 Block-3 Lot-17 Saint Agustin St.,Brgy-178, Zone-19 ng naturang lungsod.

Batay sa inisiyal na imbestigasyon alas-6:15 ng umaga ng matagpuan ng misis na si Alma ang biktima na nakabigti sa kanilang kuwarto gamit ang isang nylon cord.

Nauna rito ang asawa at mga anak ay nagkaisa na ipakunsulta ang biktima at dalhin sa rehabilitation center upang umano’y matigil na ang pagiging adik nito sa droga.