May ilang followers sa kanyang social media account si Xian Lim na hindi agad nasakyan ang kanyang tweet.

Ang hanash pala niya ay nanggagaling sa karakter niya sa teleseryeng pinagbibidahan nila ng kanyang dyowang si Kim Chiu.

Sey niya: “Paki tag lahat ng kilala niyong under de saya. Lagi naman sila ang may huling salita! Tandaan!!! Tayong lahat ng mga kalalakihan, dapat tayo ang tigasin!!!!

Dahil dito, may nag-react sa kanyang post at sinabing dapat lang na igiit ng isang lalake ang kanyang boses sa pagpapalakad ng isang tahanan.

Sey naman ng ilan, parang hindi raw naman ang tipo ni Kim ang mang-aander kay Xian.

Hirit pa ng ilan, parang babala raw ng actor kay Kim ang kanyang emote dahil pinangungunahan na niyang hindi siya paa-ander sa tsinitang actress kung sakaling nagkatuluyan sila. (Archie Liao)