Hindi na talaga maawat ang Quezon City Police­ District (QCPD) sa kanilang kaliwa’t kanang operasyon­ kontra iligal na droga at kriminalidad.

Aba’y nagkasunud-sunod ang matatagumpay na operasyon ng kapulisan sa Lungsod Quezon, mapa- kriminal man ‘yan na pinaghahanap ng batas at ang mga ayaw pa ring paawat sa pagsawsaw sa aktibidad sa iligal na droga.

Pero siyempre sa bawat tagumpay mayroon ­talagang utak. At sino ba nga ba ang nasa likod ng matagumpay at walang humpay na operasyong ito kontra krimen at iligal na droga sa Quezon City kundi­ si QCPD Director Senior Supt. Guillermo Eleazar.

Mukhang inspirado ang opisyal sa nakikita niyang resulta ng masisigasig niyang mga opisyal at mga tauhan­ sa QCPD kaya hindi rin ito nagpapaawat sa paglatag ng operasyon kontra krimen sa lungsod.

Ilan sa mga serye ng accomplishment ng QCPD sa paglutas ng mga krimen nitong mga nagdaang mga araw ay ang pagdakip sa suspek sa brutal na pagpatay­ sa isang nurse ng St. Luke’s Medical Center na si Jeffrey­ Guarin, 22.

Loko talagang killer ito dahil dati na pala itong sumuko sa ilalim ng Oplan Tokhang noong July 15. Aminado ang suspek na lango siya sa iligal na droga­ nang kanyang gawin ang pagpatay sa biktimang si September Ann Paz, 24, na nagtamo ng 19 na saksak sa katawan.

Kaya mahirap talagang paniwalaan itong mga ­sumusuko sa ilalim ng Oplan Tokhang dahil ginagamit­ lang ang kanilang pagsuko para mailihis ang mga ­awtoridad, pero sorry ka Guarin dahil hindi mo mabibi­log ang ulo ng mga taga-QCPD lalo na si Supt. Eleazar.

Bukod kay Guarin ay marami pang iba pang naging­ nahuling mga nagtatago sa batas ang mga taga-QCPD kabilang ang bumaril sa anak ni Quinnie Casimiro ng ABS-CBN Zamboanga.

Swak din sa kalaboso sina Ronnie Espinosa at Ariel Acaso na mga kilabot na kawatan sa lungsod.

Isa pang matagumpay na operasyon ng QCPD ay ang pagkakapatay sa kilabot na utak ng gun-for-hire gang na nag-o-operate sa Region 3, Region 5 at Metro­ Manila na kinilalang si Glen Peregrino Ebio na matagal nang may standing warrant of arrest para sa kasong­ murder.

Nauna na ring napatay sa operasyon ng QCPD ang mga galamay ng kilabot na Asero Drug Group na pinamumunuan ni Narciso Agave Asero makaraang mapatay sa engkuwentro ang pinuno at apat na miyembro ng sindikato sa ginawang buy-bust operation ng Anti-­Drug operatives ng QCPD Station 4 sa Novaliches.

Iyan ang matatawag na accomplishment at sana ay maging ganito rin kapursigido, kasipag ang iba pang mga distrito ng ating kapulisan para makamit agad nati­n ang inaasam na katahimikan ng ating bansa.

Magandang inspirasyon sa lahat, lalo na sa ating kapulisan ang ipinapakitang liderato ni Sr. Supt. ­Eleazar at ito ay bilang pagtalima na rin sa misyong iniatang ni National Capital Region Police Director Chief Supt. Oscar Albayalde at PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa. Kudos mga sir!

One Response