NAG-COMPOSE ng reaksyon si Katrina Halili sa ‘NAANO LANG’ isyu, pero nasa notes lang ito ng kanyang celfone at hindi niya pinost sa social media.
Ang sabi ni Katrina na isa ring single parent, wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.
Bahala ang mga ito kung anuman ang tingin sa kanya dahil hindi niya kontrolado kung anong iniisip ng iba tungkol sa kanya.
Hindi niya kailangang i-prove sa iba na mabuti siyang tao. Babaguhin niya ang sarili niya kung meron siyang kailangang baguhin, pero para sa sarili niya at hindi para sa iba.
Ayon kay Kat, happy siya sa pagiging single mom ng magpa-5 years old na niyang daughter (kay Kris Lawrence) na si Katie.
Dayalog sa amin ni Kat nang matsika namin siya sa set ng D’Originals, 5 years na siyang walang karelasyon.
As in totally wala dahil kahit pakikipag-date ay hindi niya ginagawa. Wala siyang anything.
So, limang taon na siyang TT as in Totally Tigang?
“Grabe! Mamaya, ‘yan ang isulat mo, ‘Katrina, Tigang na Tigang!’ Huy, grabe! Huwag gano’n. Ang chaka! No!! Yuck!!” tili ng hitad na Katrina.
Eh, anong mas gusto niya?
Tigang na Tigang o Basang-Basa?!
“Grabeee!!!” tili ulit ng Kapuso actress.
Ang tagal na niyang walang lovelife. Ibig sabihin, malakas ang self-control niya?
“Sobrang lakas. Wala talaga, as in! I’m so happy.”
Hindi siya naghahanap?
“That’s why I’m so happy nga, eh!”
Hindi nakaka-happy ang 5 years na walang ganap, ha?
“Siguro kasi, sa nangyari sa past. Tapos siyempre, may Katie na ako. Ayokong magkamali ng relationship.
“Kasi dati, puro mali. Kasi lahat, minamadali mo. Lahat, akala mo love.
“So ngayon naman, sa kakahintay ko ng true love, eh wala pa. Ayoko kasing tumingin, eh. Ayoko, ayoko, ayoko talaga.
“Ayoko nang magkamali. Gusto ko, kung magkakaroon ako ng relationship, ‘yun na ‘yon.”
Limang taon na, ha? So, ang tagal na pala niyang hindi NAAANO?
“Eh siyempre, ayoko nga ng ANO. Kasi nga, may anak na ako, ayoko nang MAGPAANO, baka MAANO lang ako.
“Tapos, MAAANO ka lang. Tapos, AANUHIN ka lang din nila.”
Hindi niya ba nami-miss ‘yung ANO?
“Hindi. Wit. Mamatay!” mabilis na sagot sa amin ni Katrina, na gumaganap bilang mabangis na kabit na si Yvette sa D’Originals na napapanood sa GMA Afternoon Prime.