Dear Dra Holmes: (shortened March 17 letter)
I’m 26, single, and have difficulty liking girls. I have strong sexual desire for men. I want to get rid of this feeling (but) I can’t help it.
I can’t come out gay or as a man who prefers other men. I have a name and dignity to protect and maintain.
Please help me overcome this weakness. I want to get rid of this of wanting to taste my fellow men.
Manalo
Dear Manalo:
Maraming salamat sa sulat mo na pinublish natin ng buo kahapon, Sabado, Marso 16. Doon sinabi ko na naiintindihan ko ang iyong pagnanais na hindi malaman ito ng buong mundo; lalo na ang mga taong may makikitid na isip na may desisyon tungkol sa trabaho at buhay mo.
Pero, dearest Manalo, hindi kita matutulungan magmahal sa babae at tumigil ang iyong pagnanasa para sa kapwa mo lalake. Una hindi ito kayang gawin ng sinumang sikolohista, psychiatrist, spiritual healer, kahit gaano sila kagaling. Maraming beses at maraming klaseng ‘therapy’ na ang sinubukan para ‘matanggal ang homosexuality’ sa isang tao, pero hanggang ngayon, wala pang nagtagumpay.
Bilang sikolohista, ang magagawa ko ay makinig sa iyong mga kinatatakutan at, marahil kinagagalitan/sinasaklapan (?) dahil sa iyong pagiging homosexual. Maraming mga pananaliksik ay nagpatunay na ang isang homosekswal ay kasing talino, kasing sipag, kasing galing, at kasing bait at mapagbigay ng kahit sinumang tao sa mundo.
Walang kinalaman ang pagiging homosekswal sa pagiging mabait o masama, moral o imoral. Hindi ito opinyon ko lamang. Sa 1970’s ang ang American Psychiatric Association ay naglabas ng statement na hindi sakit ang homosexuality. Pagkatapos ng maraming taon, ang Philippine Psychological Association ay ginawa rin ito.
Alam ko hindi kita makukumbinsi sa sailta lang na walang masama sa paging homosekswal. Hindi kita makukumbinsi sa isang kolum kagaya nito na walang kahihiyan kung ang sexual orientation ng isang tao ay hindi heterosekswal. Inaasahan ko lang na ang ating pagsusulatan ay isang hakbang patungo sa iyong mas malalim na pagkaintindi at pagtanggap ng iyong sariling oryentasyong seksuwal at pagkatao. Mabuhay ka, Manalo. Ingat—MG Holmes
Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.