Ayon sa direktor ng ‘Pinulot’…

Gina Alajar

WALANG sumipot na Ara Mina sa presscon ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, pero mukhang nahilot ng production ng GMA ang ipinagsisintir ni Ara na inilabas nito sa social media at pagkatapos ay tinanggal din.

Ayon sa mga bossing ng Kapuso network na nandun sa presscon, tinatapos pa ‘yung usapan na ‘yon tungkol kay Ara at kung anuman ‘yon, dapat ay sa pagitan na lang ito ng artist at ng production.

Hintayin na lang daw na maresolba ito.

Ang direktor ng bagong Kapuso afternoon drama na si Direk Gina Alajar ang inusisa namin tungkol sa isyu.

Ayon kay Ms. Gina, hindi niya nabasa ang inilabas ni Ara sa social media at nu’ng i-check niya ito sa Instagram ay deleted na.

Ang sabi sa amin ni Ms. Gina, ang naisip niya agad ay kung magre-reshoot ba sila at kung papalitan ba si Ara sakaling mag-quit nga ito sa show.

“Maaapektuhan ang show ‘pag umalis siya. Kasi, ang dami na niyang nakunang eksena, eh.

And in all honesty, mawawalan ng isang spice ‘yung show. “Kasi, in fairness to Ara, she’s very good. I’ve worked with her sa Tatlo Magkasalo ng Reyna Films, bagets pa siya noon.

After that, she has proven herself as an actress.

“Ngayon ko lang siya nakatrabaho ulit after that and I would say na she has transformed herself into a good actress.

“At wala kaming problema ni Ara. Minsan nga, napapaghintay ko siya nang matagal ‘pag ang calltime niya, sa gabi.

“I would say sorry and she will say, ‘No, Ate Gina, it’s okay!’ She’s still bubbly. Mabait talaga si Ara.

“Meron lang siguro siyang hindi nagustuhan. But then, it seems na naayos naman yata nila sa production,” bulalas ng premyadong aktres at direktora.

Aminado si Ms. Gina na masyadong na-delay ang show nila at posibleng nainip si Ara sa kakahintay.

Ara Mina
Ara Mina

Originally kasi ay October last year dapat nagsimula ang airing ng PKLSL pero naurong ito nang naurong (dahil na-extend ang papalitan nito na Sa Piling ni Nanay) hanggang finally ay sa January 30 na ang simula nito.

“Depende kasi ‘yan sa pagtanggap ng tao, eh. Maaari kasing may ibang nag-o-offer sa kanya (ng ibang pro­ject) and she feels na nasayang. Baka ngayon lang nangyari sa kanya ‘yon.”

Dagdag pa ni Direk Gina, baka frustrated si Ara kaya nito nagawang mag-post ng gano’n sa social media.

Hindi pa sila ulit nagti-taping, so hindi pa sila nagkikita ni Ara sa set ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa na bagong aaba­ngan sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Hahamakin ang Lahat.