Patuloy pa ring makakatanggap ng food pack mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga residente ng Boracay kahit pa nagbukas na ang isla sa publiko.

Ipamamahagi ng DSWD ang 3,400 food box sa lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan para sa mga apekĀ­tadong pamilya ng tatlong barangay sa Boracay nang magsara ito ng anim na buwan.

Sa huling tala ng ahensiya, may kabuuang 28,915 food pack ang naipamahagi na sa 12,431.

Bukod sa ayuda, patuloy na imo-monitor ng DSWD ang mga programa nito kabilang ang Cash for Work, na ipinatutupad na ng lokal na pamahalaan, at livelihood assistance sa mga residente ng isla.