Ayuda sa mahihirap linawin

Sulat-Kay-Editor-ABANTE

Dear Abante Tonite:

Hindi nakakatulong ang pagsasalita ng ilang opisyal ng pamahalaan tungkol sa ayudang ipagkakaloob sa ating mga kababayan sa gitna ng kinakaharap na krisis pangkalusugan.

Nagkakaroon tuloy ng kalituhan sa panig ng mga mamamayan at ng mga magpapatupad ng tulong pinansiyal na pamumunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Katulad po kahapon may isa nang barangay captain ang nagsalita sa social media dahil ginulo daw po ng isang mambabatas ang social amelioration program ng DSWD.

Dapat po siguro na manggaling lahat ng impormasyon at pagpapaliwanag ukol dito sa kagawaran na siyang mamumuno sa pamimigay ng ayuda sa ating mga mahihirap na kababayan. At ito’y walang iba kundi ang DSWD.

Huwag na po sumawsaw pa ang iba para hindi na makagulo. Ika nga po, we cannot afford further confusion in this time of public health emergency crisis.

Sana maunawaan po ninyo ito, lalo ng mga opisyal ng ating gobyerno.

Panawagan ko naman po sa DSWD, sana maging alerto kayo sa pagpapaliwanag sa mga tao. Mahalaga ang malinaw na komunikasyon para hindi magkalituhan ang mga tao.

Jeremy Gabriel

Calamba, Laguna