Break muna ng dalawang linggo ang PBA Philippine Cup elims umpisa sa Valentine’s Day para bigyang daan ang kampanya ng Team Pilipinas sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Huling mga laro ang double-header mamaya sa MOA Arena – Blackwater vs. Alaska sa first game, Magnolia vs. Rain or Shine sa second.

Balik ang hostilidad ng all-Filipino sa Feb. 27 sa Smart Araneta Coliseum sa pamamagitan ng Meralco-Columbian at Phoenix-NorthPort games.

Bibigyan ng PBA ng ilang araw ang Team Pilipinas para mag-ensayo, kahit nakabalik na ng China si naturalized Andray Blatche. Sa Qatar na sasamahan ni Blatche ang Pinoy quintet.

“No turning back in our support for the national team. Sabi ko nga, ang PBA all-out support ‘yan sa Team Pilipinas,” giit ni commissioner Willie Marcial.

Must-win ang Pilipinas sa huling dalawang laro sa final window – kontra Qatar sa Feb. 21, at laban sa Kazakhstan sa Feb. 24.

Nasa fourth spot ng Group F ang ‘Pinas sa 5-5 record, kailangan walisin ang last two games para makahabol sa World Cup sa China sa August.

Lilipad patungong Qatar ang Nationals sa Feb. 16.