Ayuda sa naulila ng Tanay bus tragedy

helping-hand

Pinagkalooban ni Mayor Oca Malapitan ng tulong-pinansiyal ang mga nagluluksang magulang ng mga estudyante ng BestLink College na namatay sa Tanay bus tragedy.

Kabilang sa mga nasawing kabataan ay mga residente ng Lungsod ng Caloocan na kinabibila­ngan nina Jemerson S. Mesicula, 30, na anak nina Jose at Estrellita Mesicula ng Quirino Hiway; Jonafhay C. Cerezo, 19, ng Blk.57 lot 29-30 Pilar Ville Anahaw St., Amparo subd. Brgy.179 na anak nina Reynaldo at Myrna Cerezo; at si Charlie L. Magdaong 23, ng Phase 6 Camarin, Brgy. 178 na anak nina Celso at Sulpicia Magdaong.

Personal din na naghatid ng pakikiramay ang alkalde sa mga naulila.