Nagka-ACL injury si mainstay, winger Patrick Reichelt na kinaantala ng preparasyon ng Philippine Azkals sa 11th Asean Football Federation (AFF) Suzuki Cup sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan at Rizal Memorial Stadium sa Manila, at sa Yangon, Myanmar Nobyembre 19-Disyembre 17.

“An ACL tear in my right knee means the end for this year but I will come back stronger in 2017,” ani Reichelt sa kanyang Instagram account kahapon.

Sinamahan ng Fil-German na si Reichelt, kumakampanya sa Ceres-La Salle sa Uni­ted Football League, sa injured list si defen­der Fil-Italian Simone Rota ng Stallion FC na
unang nagka-ACL at partial PCL injuries.

Kapwa nasa running slots sina Reichelt at Rota para sa squad ni coach Thomas Dooley sa Suzuki Cup group stages play. Nag-umpisa na ng training ang national team noong isang linggo.

Sa last minute ay umatras sa naka-iskedyul na friendly match ang Turkmenistan dahil din sa injuries, kaya may isang papawis na laro na lang ang Azkals kontra Kyrgyzstan sa Martes.