Sumadsad ang Philippine Azkals sa 127th sa FIFA World Rankings kahit naka-draw sa Malaysia at nanalo sa Nepal.

Tatlong puwesto ang ibinaba ng men’s national team, pero nanatili naman sa tuktok ng Southeast Asian football ang Pilipinas.

Segundo Southeast Asia ang AFF Suzuki Cup champions Thailand na 129th sa world, tersero ang Vietnam at 136th sa FIFA Rankings.

Samantala, umakyat ng isang baitang sa women’s rankings ang Philippine Women’s National Football Team (68th).

Malaking bagay ang dalawang sunod na 4-0 wins ang kinana ng mga Pinays sa Women’s AFC Asian Cup Qualifiers.