Puspusan na ang paghahanda ng Philippine Azkals para sa 11th ASEAN Football Federation 2016 Suzuki Cup sa Nov. 19-Dec. 17 sa Philippine Sports Stadium sa Bocaue at Rizal Memorial Stadium sa Manila, at sa Yangon, Myanmar.
“The Azkals will play another familiar opponent Bahrain as they step up their buildup for the Asean Football Federation Suzuki Cup,” sabi kahapon ni PFF secretary general Edwin Gastanes, dinagdag na pumayag na ang Bahrain Football Association sa international friendly match sa Oct. 7 sa PSS.
Nagpang-abot na ang dalawa sa Group H ng second round ng joint FIFA World Cup-Asian Cup Qualifiers, nasilat ng 134th-ranked Filipinos ang No. 126 Bahrainis sa first round sa home 2-1, pero nakatikim ng 0-2 beating sa return leg sa Manama.
Nai-host na rin ng Bahrain ang PHL XI sa dalawang friendlies bago ang WCQ nu’ng 2012 na natapos sa scoreless draw, at sa 2015 encounter na pinanalunan ng Bahrainis, 2-0.
Ang Bahrain side ang third higher-ranked opponent na nilinya ng PFF para sa Azkals pa-Suzuki Cup. Nakapila pa rito ang 119th Turkmenistan sa Bocaue din (Oct. 2) bago lumipad sa Kyrgyzstan para makasipaan ang 105th White Falcons (Oct. 6).
Ikinokondisyon ang Azkals sa pamamagitan ng FIFA international matches dahil mga astig ang makakaharap sa kinalalagyang Group A play — defending champion Thailand, former titlist Singapore at nagbabalik na Indonesia sa AFF.