Hindi nakalimot si Yoo Ah In sa kaarawan ni Song Hye Kyo.

Nag-post ito ng congratulatory message for Hye Kyo’s birthday. Sa picture ay kita rin na hawak ni Song Hye Kyo ang bouquet ng bulaklak na binigay ng aktor.

May caption pa na, “Long live the Queen!”

Sa pamamagitan din ng kanyang Instagram account, nag-post si Hye Kyo ng pasasalamat sa mga fan na nakaalala ng kaarawan niya.

Ang mga tagahanga niya ay may kanya-kanyang gimmick para ipakita ang pagmamahal nila sa actress.

“Thank you to all the Korean and international fans who wished me a happy birthday. I will always remember the love you shower me with,” post niya sa kanyang IG account.

Bukod dito, ipinost din ng actress sa kanyang IG stories ang mga inihandang pa-birthday pasabog sa kanya ng mga fan sa iba’t ibang bansa, bukod nga sa South Korea.

Bukod sa pasasalamat niya, ibinahagi rin ng actress ang mga photo na nagsi-celebrate ang mga fan niya sa iba’t ibang bansa. Nandiyan ang billboard advertisement sa Times Square in New York City.

‘Yung iba naman ay mga certificates of proof of charitable donations and volunteer work done in her name, including Song Hye Kyo Baidu Bar working to hold a “Song Hye Kyo’s Drawings of Love class” for children with hearing disabilities.

Kung matatandaan, dumaan si Hye Kyo sa isang malaking isyu tungkol sa marriage niya kay Song Joong Ki nang ianunsiyo nila na hiwalay na sila. Ang “Encounter” pa ang huli niyang drama. Wala pang balita kung kailan siya muling tatanggap ng acting projects.