TOUCHED na touched si Alma Moreno sa mga anak niya dahil nag-treat sila ng ilang araw na bakasyon sa Hongkong para sa kanya.
Kukumustahin sana namin ang aktres na nag-celebrate ng kanyang kaarawan nu’ng Biyernes.
Tinext namin siya kamakalawa para kapanayamin sana sa radio program namin sa DZRH, pero nasa Hongkong pa pala ito.
Si Winwyn Marquez ang isa sa mga anak ng niya na nagpahayag na sana ay matupad ng Mama nila ang lahat na pangarap nito.
Mensahe ni Wyn para sa kanyang ina sa Instagram, “Oh mama… Nakita ka nakangiti ng ganyan ibang-iba sa pakiramdam namin…
“Sa lahat ng pinagdaanan mo, never mo pinakita na nanghina ka o kaya umiyak ka or whatever…
“Lagi ka taas-noo at lagi mo pinapaalala sa amin na positive lang at lahat magiging okay…
“Napaka-tough mo and ahh basta ibang klase ka. I love you mama soo much. We love you ma.”
Isa lang ang hinihingi ni Alma para sa kanyang kaarawan — makalaya na si Mark Anthony na nasa kulungan pa rin sa Pampanga.
Dinidinig pa ang kaso nito.
Pero positibo silang mapapalaya na si Mark sa lalong madaling panahon, basta mabigyan lang ito ng tamang hustisya.
Noong nakausap namin si Renz Fernandez sa press launch ng My Love From the Star, nabanggit niyang balak niyang dalawin ang kuya niya.
“Kinukumusta ko nga, eh. Pupunta ako du’n, dadalawin ko siya.
“Okay naman daw siya dun, pero mainit lang daw eh. Buti, nakakapag-basketball naman daw siya du’n,” pakli ni Renz.
Sure un di magtatagal makakalaya rin si Mark. Pero mauuna muna si Unggoy.