B. League sulong, urong sa coronavirus

B. League sulong, urong sa coronavirus

Ibinalik ang mga laro ng B. League sa Japan nitong weekend, pero agad ding kumambiyo at muling sinuspinde ang men’s professional caging.

Ilang players ang nagdesisyong huwag maglaro dahil sa pangamba sa coronavirus disease.

Cleared na ang ilang COVID-19 concerns sa bansa, pero ayaw sumugal ng marami.

Pinostpone ang match ng Levanga Hokkaido at Kawasaki Brave Thunders matapos matuklasang nagkalagnat ang isang player bago ang laro.

Hindi rin itinuloy ang laro ng Utsunomiya Brex at Chiba Jets Funabashi matapos makumpirmang nilalagnat rin ang isa namang referee.

Dapat ay ilalaro ang games nang walang pinapapasok na fans sa mga arena.

Plano ng B. League na ituloy ang mga laro sa April 1.

Nagpasya si US-born big man Jeff Ayres na huwag munang bumalik para maglaro sa Japan.

“I felt we were putting ourselves at risk,” ani Ayers sa ESPN. “It was a reckless environment.”

Isa si Ayers sa higit 20 US imports na naglalaro sa liga. (VE)