Babae ang anak nina Rochelle-Arthur

tonite-imo-vinia-vivar
It’s a baby girl for Arthur Solinap and Rochelle Pangilinan! Ito ang inanunsyo ng mag-asawa sa kani-kanilang Instagram account last Nov. 1 sa “gender reveal” na isinagawa nila sa Japan.

May gimik ang gender reveal ng mag-asawa na ginanap pa sa Shibuya Crossing sa Tokyo, Japan.

Sa video na ipinost nila ay makikita ang isang girl na hawak ang naka-seal pang envelope kung saan ay nakasaad ang gender ng first baby nina Arthur at Rochelle.

Makikita rin ang girl na naglalakad sa Shibuya Crossing habang ang mag-asawa naman ay tila nasa isang hotel na mula sa kinaroroonan ay kitang-kita nila ang cros­sing.

Maya-maya ay tumawid na ang girl sa crossing at itinaas na nga ang placard na nagsasaad ng “It’s a girl!”

Sa reaksyon ng mag-asawa upon seeing the placard, tila noon pa lang talaga nila nalaman ang gender ng baby dahil nagsigawan pa sila’t kitang-kita mo talaga sa kanila ang joy and happiness.
Kitang-kita rin sa caption ni Rochelle ang labis na kaligayahan at pasasalamat sa Diyos.

“Thank you God!!! Kung ano ang pinagpray namin ‘yun ang binigay mo! grabe ang gift mo sa min! marami din nagsabi dito at mga friends na Baby girl daw, yes! Tama kayo. Thank you,” sey ng Onanay actress sa caption.

Caption naman ni Art, “Maraming sala­mat Lord! Iba ka! Excited to meet you soon Baby!”

Coco sariling pamilya ang kulang

Kahapon ay nag-post ng kanyang pasasalamat si Coco Martin para sa isang taon na namang nadagdag sa kanyang buhay at sa lahat ng mga bles­sing na ipinagkakaloob sa kanya ng Panginoon.

Coco had just celebrated his 37th birthday last Nov. 1 at masasabi ngang at this point in time, sobrang fulfilled na ang aktor sa kanyang buhay.

Sey nga niya, isang napakagandang paglalakbay ang kanyang naranasan at gusto niyang ibalik ang pasasalamat sa pagtulong sa kapwa.

“Maraming salamat Panginoon sa pagmamahal mo sakin. Salamat din sa lahat ng tao na binigay mo sa buhay ko upang maging daan para matupad ko ang pangarap ko na mabigyan ng maa­yos na kinabukasan ang pamilya ko.

“Ngayon sana mas gamitin mo pa ako upang maibalik ko naman­ sa aking kapwa ang lahat ng blessing na pinagkaloob ninyo sakin. Salamat 37yr na buhay na pinagkaloob mo sakin isang napakaganda paglalakbay… mahal na mahal ko po kayo!!!” ang post ni Coco.

Well, isang-isa na lang talaga ang kulang sa buhay ng aktor at ito ay pagkakaroon ng sariling pamilya.