Burdado ng saksak ang katawan at wala ng buhay ang isang babae nang datnan ng kanyang kapatid sa kanilang bahay sa Flora, Apayao noong Araw ng Pasko.

Nakilala ang biktina na si Elizabeth dela Cruz, 48-anyos, ng Barangay Tamalunog, ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, ayon kay Piat Police Station (PPS) commander P/Lt. Col. Roderick Condag, bago ang insidente, nakiusap umano ang kapatid ng biktima na kinila­lang si Walter, ng Pob­lacion East, Piat, na magbantay muna sa kanyang bahay dahil may pupuntahan lamang ito.

Ayon sa pulis, nagulat na lamang si Walter nang makitang patay na ang kanyang kapatid na tadtad ng saksak sa katawan.

Sinabi ni Condag na batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, posibleng pagnanakaw ang motibo ng mga hindi pa nakikilalang suspek dahil nawawala ang cellphone ng biktima at perang nagkakahalagang P10,000.

Bukod dito, sinabi ng PPS na tinitingnan ding motibo ang kasong estafa na kinahaharap ni Walter dahil posibleng paghihiganti ang ginawa ng suspek sa biktima. (Allan Bergonia)