Nasawi ang isang babae habang anim ang isinugod sa pagamutan matapos atrasan nang nagwalang SUV kahapon sa may Sta. Cruz, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang babae na nakilala lang base sa nakuhang ID dito na si Marides Suing Co, 54-anyos, taga-Brgy. Maharlika, Quezon City matapos maipit ng Mitsubishi Montero na may plakang RKW-502 nang maatrasan habang isinugod naman ang anim pang nasuĀ­gatan sa Jose Reyes Memoril Medical Center (JRMMC) at Metropolitan Hospital.

Ayon kay PLt. Col Reynaldo Magdaluyo, station commander ng Manila Police District-Police Station 3, naganap ang insidente alas-2:15 ng hapon sa Soler at Raon Sts. Sta. Cruz, Maynila.

Nalaman na galing umano sa Bataan ang sasakyan at pumunta lamang sa Raon para bumili ng ViĀ­deoke nang maganap ang insidente.

Papauwi na umano ang driver nang pagtapak sa silinyador ay biglang umugong at mabilis na umatras ang Montero at nahagip ang mga biktima. (Juliet de Loza-Cudia)