Isang 25 taong gulang na babae ang iniulat na dinukot ng armadong kalalakihan sa Siocon, Zamboanga del Norte kamakalawa.
Napag-alaman kay Police Chief Superintendent Billy Beltran, hepe ng Western Mindanao police, nasa loob ng bahay si Feroza Hugasan Mindoon sa Barangay Malipot nang bigla na lamang pasukin ng armadong kalalakihan ang kanyang bahay at sapilitang kinuha dakong alas-11:30 ng gabi noong Biyernes.
Sinabi ni Beltran na tinutugis na ng pinagsanib na puwersa ng pulis at mga sundalo ang mga bumihag kay Mindoon.
Nitong Huwebes, pinalaya ng mga suspek ang isang residente ng Siocon na si Jessica Duterte, 52 taong gulang na dinukot noong March 3, ayon kay Brig. General Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Group Sulu.