Babae, kasabwat huli sa pagbebenta ng shabu sa pulis – Makati

Isang babae at kasabwat nitong dalawang lalaki ang dinakip sa buy-bust operation sa Makati.

Nakumpiska sa tatlo ang tinatayang P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa isang bahay sa M.H Del Pilar, Brgy. Rizal pasado 1 ng madaling araw ng Sabado.

Nakorner ang mga suspek matapos ng mga itong bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nahaharap ngayon sa kaukulang kaso ang nahuling mga suspek.