Patay ang isang babae matapos matupok ng apoy ang kanilang bahay habang nasa 20 kabahayan pa ang naabo kahapon nang tanghali sa Pateros.
Batay sa report, nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Lozada St., Brgy. Sto. Rosario, Kanluran, Pateros bandang ala-una nang hapon kung saan ay umakyat sa 3rd alarm ang sunog.
Ayon kay Police Lieutenant Demetrio Sablan, ng Pateros Fire Safety Section, natuklasan nila ang naabong bangkay ng babae matapos ang pag-apula sa sunog bandang alas-2:30 nang tanghali.
Bukod sa nasawi, isa rin ang malubhang nasaktan sa naganap na sunog.
Kasalukuyan pa ngayong inaalam ng BFP ang sanhi ng sunog.