Kritikal ang isang babae matapos mabagok ang ulo habang nagpapakuha ng litrato kamakalawa ng gabi sa Legazpi City, Albay.
Wala pa ring malay at kinakailangan ng agarang operasyon sa ulo ang biktimang nakilalang si Melva Dolotinay Marcus, 54, residente ng Talon-Talong, Zamboanga City at isa sa mga delegates ng National Convention of Court Stenographer.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi ng magpakuha ng litrato sa Legazpi City Marker na matatagpuan sa Barangay Puro ang biktima nang aksidente itong madulas at mahulog sa tabing dagat na may malalaking bato at doon nabagok ang kanyang ulo.