Iba na talaga ang panahon ngayon mga kasabong.

Dati bihira ka makakita ng babae sa loob ng sabu­ngan.

Ngayon eh normal ka nang makakakita at kahit saan ka magpuntang sabungan ay marami ka nang makikitang Eba.

May makikita ka na nagbibitaw, nagtatare, nag-uulot at nagki-kristo. Siyempre kilala natin sina Osang dela Cruz ang reyna ng sabong, Robie Panis na mananari ni Boss Biboy Enriquez at Ma’am Rhona Bullecer.

Si Regine Gonzales ng Batangas na isang mananari ay naging usapan na rin ng mga sabungero kaya masasabing kaya na rin ng mga babae ang ibang ginagawa ng mga lalaki pagdating sa industriyang ito.

Siyempre kung babaeng gaffer ka ay maraming magpapatari sa iyo kapag nasa sabungan.

Kaya mga klasmeyt, tingin ko mga 10 taon pa ay mas marami pa tayo lalong makikitang babae sa mga sabungan.

***

Mga kasabong abang-abang kayo sa Facebook page ng Abante at Youtube kasi may mga ini-interview kami sa SPORTALAKAN na mga bigtime sabungero tulad ni Boss Charlie ‘Atong’ Ang, isang beses sa isang buwan kami naglalabas.

Kaya antabayanan po ninyo kami.

***

Baka gusto ninyo mag-trabisya ngayong araw, may “PL2 Malainin” 5-Cock Derby sa Pasay City Cockpit. May entry fee na P33,000 at minimum bet na P22,000.
Tara na.