Babaeng kagawad niratrat ng 2 bisita

Patay ang isang babaeng barangay kagawad makaraang pasukin ng riding-in-tandem at pinagbabaril sa loob mismo ng tahanan nito sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Ang biktima ay si Noemi Balderama-Agcaolili, 55, may-asawa, barangay kagawad, at taga-#303 E. Boni Serano, Bagong Barrio, Brgy. Lipunan ng Crame, QC. Siya ay nagtamo ng mga bala ng .45 caliber sa iba’t ibang katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg. Julius Raz, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-8:30 ng gabi (Pebrero 23) nang pagbabarilin ang kagawad sa loob ng tahanan nito.

Ayon sa nakasaksing si Peter, nakaupo umano siya sa kanyang motorsiklo na nakaparada sa lugar nang makita niya ang riding-in-tandem na tumigil sa harap ng bahay ng suspek.

Pagpasok ay nakari­nig na umano siya ng sunod-sunod na putok.

Ilang sandali lang ay nakita niyang nagsilabas na ang mga salarin at agad tumakas.

Agad namang dumating ang mister ng kagawad na si Gerardo at isinugod ang duguang misis sa Cardinal Santos Medical Center subalit binawian din ito ng buhay. (Dolly Cabreza)