Babalik sa mga lugar na naka-lockdown arestuhin — Win

Sobrang trapik! Toll fee sa SLEX suspendihin – Gatchalian

Para matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa mga lugar na naapektuhan ng pagsa­bog ng Bulkang Taal, iminungkahi ni Senador Win Gatchalian na arestuhin ang mga residenteng nagpipilit na bumalik sa kanilang mga tahanan na nasa danger zone.

“We often have to be very persistent na bawal silang pumunta don at kung meron mang talagang magpilit, iaresto,” pahayag ni Gatchalian sa isang forum kahapon sa Senado.

“‘Pag sinabing arrest, dadalhin sila sa barangay hall, dadalhin sila sa presinto muna dahil nga ito ay para sa kabutihan nila, kung naipit sila don at pumasok ang mga rescuers at mai­pit din ‘yung mga rescuers natin, mas maraming buhay ang mabubuwis,” dagdag nito.

Ilang mga bayan sa Batangas kabilang ang bayan ng Agoncillo, San Nicolas, Talisay, Laurel at Taal ang inilagay na sa lockdown kasunod ng phreatic eruption ng Taal noong Linggo.

Ayon pa kay Gat­chalian, mandato aniya ng mga mayor gayundin ang mga kapitan ng barangay na masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng kanilang kabarangay.
Kahit ang mga pulis ay maaari rin umanong dakpin ang mga residenteng magpipilit na bu­malik sa kanilang mga bahay na nasa danger zone. (Dindo Matining)