TEAMS W L
Rain or Shine 3 1
San Miguel 3 1
GlobalPort 3 1
Meralco 2 1
Blackwater 2 2
TNT 2 2
Phoenix 2 2
Star 2 2
Ginebra 1 2
NLEX 1 2
Alaska 1 2
Mahindra 0 4
Games ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — NLEX vs. Blackwater
7:00 p.m. — Meralco vs. Alaska
Kakalsuhan ng Blackwater at NLEX ang two-game slides samantalang uunatin ng Meralco ang winning-streak sa tatlo para sumosyo-liderato at dadalawa ang Alaska sa giyera patani ngayon sa 2016-2017 PBA Governors’ Cup elims sa Smart Araneta Coliseum.
Curtainraiser 4:15 afternoon ang saltikang nakatali sa quadruple-tie para sa fifth place na Blackwater (2-2) at nasa triple-tie para sa ninth na NLEX (1-2), habang seven evening ang balibagang running-fourth Meralco (2-1) at Alaska (1-2).
Pinagkukuryente ng Bolts ang mga utol na NLEX, 106-93, at TNT KaTropa, 98-87, makalipas ma-blackout ng Blackwater, 84-86.
Nagpapaalerto sa Alaska na kabubuwelta lang buhat sa back-to-back losses sa NLEX, 97-99, at sa defending two-time holder San Miguel, 88-93, sa pagsubsob naman sa GlobalPort, 95-84, sa kabila ng patuloy na inuulila nina centers Sonny Thoss at Noy Baclao na may injured knees.
“This game will be a particular challenge for us as they are so deep at the 4/5 spot while both of our centers are still injured,” sabi kahapon ni Alex Compton.
Hindi naman papayag ang Elite maging ang NLEX na umabot sa tatlo ang kanilang mga pagdurugo. Bumagsak ang Elite sa Rain or Shine, 93-107, at sa TNT, 92-99, makaraan ang best franchise 2-0 start.
Pagkalipas malaklak ang Alaska’y nagmenor ang Road Warriors kontra Bolts at Star, 75-99, na nagpapaaligaga kay Yeng Guiao.
“Must win game for us if we want to figure in the race this conference,” giit ni Road Warriors coach. “I have not been happy with our defense the last two games. We have the weapons offensively but I’m still looking for my players to make stops with some consistency.
Another rookie in Mac Belo is our biggest headache. We hope to make life difficult for him this time.”