Game 2 sa Huwebes (Smart Araneta Coliseum)
3:30 p.m. – SBC vs. LPU 

Nalasap ng Lyceum of the Philippines ang unang kabiguan, binalik sa lupa ng defending champion San Beda College 94-87 kahapon sa opener ng 93rd NCAA basketball tournament Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Nadungisan ang 18-0 karta ng Pirates matapos malusaw ang 12-point lead, 57-45, may 8:25 sa third period.

Nasanay sa panalo, posibleng naninibago ang mga taga-Intramuros sa istorya ng laro.

Pero sinabi ni CJ Perez na walang nabago sa kanila, mas lalo pa raw silang magiging agresibo sa susunod na laban.

“Wala naman nabago pero kailangan namin bumawi,” saad ni Perez na kumana ng 25 points at eight rebounds.

Ayaw pang magsaya ng San Beda dahil isang panalo pa ang kailangan bago maibalik sa Mendiola ang titulo.

“This is not yet over, may isa pang panalo,” babala ni San Beda head coach Boyet Fernandez. “We’re happy to get this one.”

Umiskor ng siyam na puntos si Bolick sa huling dalawang minuto na bakbakan at naitakas ng Lions ang mahirap na panalo para lumapit sa inaasam na titulo.

Tumikada si Donald Tankoua ng 27 points at 20 rebounds, tumapos si Bolick ng  habang may 24 points para sa Red Lions.

Sa Big Dome muli ang Game 2 sa Huwebes.