Isang 9-month old baby boy ang natagpuan sa nakatambak na mga basura sa IBP Road malapit sa panulukan ng Rado St., Brgy. Commonwealth, Quezon City dakong alas-7:15 kahapon ng umaga.
Sa report ng Quezon City Police District-Batasan Police Station 6, isang Richard Casaljay, 23-anyos, ang nakakita sa bangkay ng sanggol na nakalagay sa isang fruit box.
Ayon kay Casaljay, agad niyang ini-report ang natagpuang sanggol sa barangay na siya namang tumawag sa mga awtoridad para sa imbestigasyon.
Sinabi naman ng pulisya na isasailalim sa autopsy ang bangkay ng sanggol para malaman kung ano ang ikinamatay nito.
Bagama’t aminado ang mga awtoridad na mahirap matukoy kung sino ang nagtapon sa bangkay ng baby boy, ay patuloy pa rin umano silang magsasagawa ng follow-up investigation sa nasabing lugar.