Baby girl nina Erwan – Anne aksidenteng nasilip

NI: RONA RONDA

Nawindang ang mga netizen sa larawan na ibinahagi ni Erwan Heussaff sa kanyang Instagram. Isang cute baby ang ipinost nito na may caption na “Throw ‘em up”.

Nagtatanong tuloy ang mga netizen kung ito na ang baby girl nila ni Anne Curtis na si Dahlia Amélie. Pero kalaunan ay binura ang larawan. Hinala ng mga netizen na baka aksidenteng na-ipost ang photo.

Sey ng mga netizen, mukhang ito na nga ang anak nila ni Anne dahil kamukha umano ni Erwan ang baby.

“Ang cute! Parang kamukha ni Erwan.”

“Hala accident? Kasi tinignan ko now wala na hahahah anyway cuteeee.”

“Kamukha ni Erwan pero more on Australian ‘yong aura nya.”

“Possible naman. Anne and Erwan are both half white. Pwedeng lumabas yung genes sa baby nila.”

“Sobrang ganda! I can’t figure out kung sino mas kamukha!”

“Pinababaeng Erwan.”

“Wahahahaha kamukha ni Erwan omg!!! Cutie.”

Matatandaan din na sinabi ni Anne Curtis sa It’s Showtime na ang asawa niya ang pinaglilihian niya. Sey tuloy ng isang netizen, ‘wag na umanong itago ang mukha ng kanilang baby dahil maraming masaya para sa kanila