Isang bagong panganak na sanggol ang gumaling sa COVID- 19 sa Cebu City.

Ayon kay Cebu Mayor Edgar Labella na ang sanggol ay ikapitong kaso ng COVID19 sa Cebu City.

“So again, ang bata nga kadtong giingon nga (*the baby who is) newborn, who was suspected or found to be positive the day before yesterday, on a subsequent testing is considered or found to be negative,”ayon kay Labella sa isang virtual press briefing.

Nabatid sa DOH una nang nagpakita ng sintomas ng COVID19, ang nanay ng bata habang nagli-labor pero kalaunan nang suriin ay nag- negatibo naman ito sa virus.

Ang sanggol na 2 araw pa lamang ay nasa hospital pa rin at patuloy na inoobserbahan.

Nalaman na may 173 nagpositibo sa virus na ang 100 ay mula sa Sitio Zapatera sa Barangay Luz na unang isinailalim sa lockdown.

Pinag-aaralan rin na palawigin pa ang enhanced community quarantine ng hanggang dalawang linggo hanggang isang buwan.(Juliet de Loza-Cudia)