Baby ng JaDine nasa poder ni Lustre

NI: ARCHIE LIAO

Tatak ng Guy and Pip na mayroong manyikang Maria Leonora Theresa na itinuring nilang parang anak noong kasagsagan ng love team nila. Ang JaDine naman ay merong maituturing na baby na nagsisilbing recuerdo ng kanilang pagsasama.

Mula noong mag-live in sila, nag-ampon sila ng isang Pembroke Welsh corgi dog na pinangalanan nilang Cal.

Parang anak na ang turing nila rito dahil alagang-alaga ito ng dalawa.

Pero noong mag-break sila noong Enero, pati ang mga fan ay naalarma kung kanino mapupunta si Cal.

Sa recent interview kina James Reid at Nadine Lustre ng Myx Philippines, ibinunyag nila na ang pet dog nila ay naiwan sa pangangalaga ng aktres.

Ayon pa sa JaDine, patuloy pa rin daw ang komunikasyon nila sa isa’t-isa lalo pa’t may kolaborasyon sila pagdating sa musika.

Kapansin-pansin din na suot-suot pa rin nila ang necklace na nagpatibay sa kanilang Team Real.