Baby ni Anne madaldal na

Enjoy na enjoy sa kanyang pagiging mother si Anne Curtis at wala siyang sinasayang na panahon para makasama ang baby girl nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie.

Naging daan ang quarantine para mapaghusay niya ang kanyang motherly skills na natutunan niya sa sariling ina na si Mrs. Carmen Curtis-Smith.

Sa Instagram account ng nanay ni Anne na si Mommy Carmen, nag-post ito ng video habang karga-karga ang kanyang apo kay Anne.

“Lola dancing with her beautiful apo👼Dahlia Amélie its a beautiful sunny day downunder @annecurtissmith.”

Sa latest post ni Anne, pinapakita niya kay Dahlia ang isang picture book sabay kinukuwentuhan niya ito. Tuwang-tuwa ang 14.8 million followers ni Anne dahil parang marunong nang makipag-usap si Dahlia sa kanyang mommy.

” Story Time. We seem to have found a book she loves. She’s becoming so daldal. I have a feeling she’s going to be a book lover and bookworm like her mama. Wait till the end. She wasn’t too happy na tapos na 😂 Merci papa @erwan for capturing,” caption pa ni Mommy Anne. (Ruel Mendoza)