Baby ni Kobe lumalakad na

Wala mang katuwang sa paggabay, tuloy pa rin ang buhay.

Iyan ang pinamalas ng bunsong anak nina late National Basketball Association (NBA) legend Kobe Bryant at biyudang si Vanessa matapos i-post ng huli ang video ni Capri, na nakakapaglakad na.

Sa pinaskil sa Instagram ni Vanessa, hindi matatawaran ang tuwa nito sa mga unang hakbang na ginawa ng naulila sa amang anak .

@vanessabryant: “My baby! So proud of my Koko Bean. Capri took her first steps from her auntie Sophie to mama today.”

Dalawang linggo matapos masawi sa helicopter crash noong Enero ang mag-amang ‘Black Mamba’ at ‘Mambacita’ Gigi, nakakatayo pa lang nang panahong iyon si Koko Bean.

Wala man ang kanyang presensya, pihado namang masayang nakatanaw mula sa langit si Kobe sa unang hakbang ng kanyang supling.

Namatay ang mag-amang Bryant kasama ang pitong iba sa helicopter crash noong Jan. 26 sa Calabasas, California. (Aivan Denzel Episcope)