Baby ni Mariel, nanganganib sa antibodies

mariel-rodriguez-pregnant

PAGKATAPOS i-announce ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez na baby girl ang kanilang magiging first baby, pinabalik muna sa bedrest si Mariel dahil medyo delikado pa rin ang kalagayan nito.

Ani Robin, “Si ­Mariel, kasi may APAS (Anti­phospholipid Antibody Syndrome), may diabetes.

Maingat pa rin siya ngayon, maraming gamot. Ang sugar niya, kapag tumaas… Kaya bedrest pa rin siya.”

Paliwanag ni Robin, ‘yung APAS ay marami raw antibodies si Mariel na posibleng pumatay sa baby na dinadala nito.

Kaya naka-bedrest ito at ang daming gamot na tini-take para kontrolin ito.

Todo ang monitor nila sa kalagayan ni Mariel para maging safe ang kalagayan nito pati ang kanilang baby.

Sa September 3 ay magkakaroon daw ng baby shower para kay ­Mariel at doon ia-announce ang napiling pangalan sa baby.

Ayon kay Robin, si Mariel ang pinapag-decide niya sa lahat hanggang sa pangalan sa kanilang baby.

Hanggang ngayon ay hindi raw niya alam kung ano ang pangalan ng baby dahil gusto ng asawa niya na i-surprise siya.

“Kahit nga ‘yung gender, sinorpresa din ako. Nu’ng nakaraang linggo ko lang nalaman.

“Tinatago niya lahat para ma-surprise daw ako,” dagdag pang kuwento ng action king sa press launch ng bagong endorsement niyang Bravo supplement at energy drink.

Napagkasunduan na rin nilang mag-asawa na sa Amerika manganganak si Mariel.

Iyun kasi ang request ng magulang ni Mariel dahil hindi na raw makakabiyahe sa Pilipinas ang Daddy niya.

Kaya pati raw ang kapatid ni ­Mariel ay sasama rin ng Amerika para magkakasama-sama silang lahat.

Inaayos na raw ang US visa ni ­Robin para makasama siya.
Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin binibigyan ng US visa ang aktor.

Kaya sana raw, mapagbigyan na siya para makasama siya sa panganganak ng kanyang asawa.

***

Nilinaw na rin ni Robin sa press launch ng Bravo na hindi pa raw niya ito nagagamit dahil buntis pa kasi ang asawa niya.

Kasama niya sa endorsement nito ang kuya niyang si Rommel kaya ito raw muna ang makakagamit nitong Bravo.

Safe na safe daw ito dahil organic ang naturang energy supplement.

Tuwang-tuwa raw si Mariel nang naikuwento niyang siya ang napiling endorser kahit hindi pa niya magagamit ito.