Baby ni Pauleen, pinagpupustahan

Pauleen Luna

MALAPIT nang malaman nina Vic Sotto at Pauleen Luna kung boy o girl ang kanilang magiĀ­ging first baby.

Ngayong linggo ang check-up ni Pauleen at nagpupustahan na sa Eat Bulaga kung ano ang gender ng baby.

Naging biruan nila na kung baby boy ito, papangalanan nilang si LeBron.

Kung girl naman, si Jessica raw — para Ms. Jessica Sotto ang tawag paglaki.

Sa totoo lang, wala pang naisip si Pauleen kung ano ipapangalan sa kanilang magiĀ­ging baby.

Kung si Bossing Vic ang masusunod, gusto niya, boy. Si Pauleen naman, kahit ano, masaya na siya.

Ang wish lang niya ay safe lang sila hanggang sa mailuwal niya ang baby.

Sa Eat Bulaga ia-announce ang gender ng kanilang baby.

Abangan!