Baby ni Sarah susi sa pagbabati kay Divine

NJ:ARCHIE LIAO

Nag-post ang showbiz couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ng resulta ng kanilang rapid tests sa Covid-19.

Negatibo sila sa coronavirus.

Maraming Popsters ang natuwa dahil safe and healthy ang kanilang idol at ang mister nito.

Gayunpaman, iba ang ini-expect ng mga netizen.

Sey nila, mas malaking balita raw sana kung buntis na o positive sa pregnancy test ang Popstar Royalty.

Hindi lang daw sila ang mae-excite kundi pati na ang parents nitong sina Mommy Divine at Daddy Delifin.

Malaking bagay din daw kung magkakaroon na ang baby ang dalawa dahil bukod sa blessing ito sa kanilang pamilya, ito rin daw ang posibleng maging susi para magkaayos na nang lubusan ang mag-ina.

Hirit pa ng ilang netizen, sigurado raw, magiging maganda o guwapo ang kanilang supling lalo pa’t maganda ang lahi ng Fil-Italian actor.