Suwerte agad ang hatid at bungad ng bagong silang na baby ni Serena Williams nang magwagi ito sa ginanap na ASB Classic nitong linggo sa Auckland, New Zealand.

Nasungkit ng 38-anyos na manlalaro ang panalo at nadaig nito si American Jessica Pegula, 6-3, 6-4.

“Finally,” masayang sambit ng tennis star na kinilala ring `World No. 1 in singles.’

“It feels good. It’s been a long time,” dagdag pa nito. “I think you can see the relief on my face.”

Ayon kay Serena, mahirap kalaban si Jessica.

“I played an incredible opponent today in Jessica and, honestly, it was a great match and I couldn’t have played anyone better in the final.”

Tatlong taon ding hirap sa paglalaro ng tennis si Serena dahil sa pinagsasabay nito ang karera at pagiging isang ina. (Aivan Episcope)