Baby Sixto bonus kina Dingdong-Marian

Napakaguwapo ng baby boy nina Dingdong Dantes and Marian Rivera na si Jose Sixto G. Dantes IV. Talagang hindi rin siya nagpatalbog sa kanyang ate Zia sa pagka-cute.

Kahapon, for the first time simula nang nagsilang siya last Tuesday, ipinakita ni Marian sa kanyang Instagram followers ang mukha ni baby Sixto habang karga-karga ni Dingdong.

Sa caption ng aktres, mahahalata mo ang labis na kaligayahan.

“Noon, nangarap kaming magkaroon ng supling at binigyan Niya kami ng isa. Makalipas ang tatlong taon, humingi kami at ibinigay Niya.

“Ang magkaroon ng isa pang lalaking anak ay sagot sa aming mga dasal, kaya’t naguumapaw ang aking puso sa biyayang ito. Akala ko hindi ko kakayanin, ngunit, nakaraos ako dahil sa suporta ng mga nagmamahal sa pamilya namin, lalung-lalo na dahil sa mga dasal niyong lahat. Maraming sa­lamat.

“Ngayong nabuhay na ulit si Hesus, muling ipinapaalala ng araw na ito na lahat tayo ay biyaya ng Diyos sa isa’t-isa.

“Happy Easter. Ito na marahil ang pinakamasa­yang Pasko Ng Pagkabuhay ng aking buong pakikipagsapalaran sa mundong ito, dahil sila— si Dong, si Letizia at si Sixto— sila ang aking buhay. (Photo taken when he was 2 days old),” ang tou­ching caption ni Marian.

As we write ay umaani na ng kulang-kulang kalahating milyong likes ang naturang post.

Isang oras bago isulat ito, nag-post din si Dingdong Dantes sa kanyang IG account. 90,289 na ang likes kung saan ay karga naman ni Marian ang kanilang baby boy. Ang caption niya:

“I believe we all need that spiritual awakening, that cannonball moment— as inspired by St. Ignatius — a reminder that without Him, nothing is possible.

“Ask, and it will be given to you; seek, and you will find; knock, and it will be opened to you.”

“We asked for a heathy sibling to Letizia and he blessed us with boy— a bonus indeed.

“Today in His resurrection, days after the birth of Sixto, we are again reminded of our mission in this world. Through this blessing, i have renewed my commitment to live a more meaningful life not just for myself, but for my family and others as well.

“He is graciously alive in all of us, and His presence is definitely overflowing through my son, through my wife and Letizia. .

“Five days ago, we rejoiced as our joyful beginning as a sQUAD had begun. .
“Today, we rejoice as the Beloved Son is Risen!
“Happy Easter everyone!”
***

Anne isiniwalat ang pag-iyak

Throwback naman ang drama ni Anne Curtis kahapon at Easter Sunday. Ni-recall niya ‘yung time na hindi pa sila ng husband niyang si Erwan Heussaff, taong 2010 during Coachella weekend (a music festival) in California. In fairness, nakakatuwa ang start ng kanilang love story.
No wonder,very memo­rable kay Anne ang Coachella dahil dito pala nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Kalakip ng kuwento ni Anne ay larawan nila ni Erwan in 2010. Umiiyak siya at yakap-yakap siya nito. Ang cute ng picture dahil ang babata pa nila.

Napakaganda ng caption ni Anne at talaga namang ang daming na-inspire at na-happy for her for having Erwan in her life.

“Since it’s Coachella weekend, I’m throwing it back to this time 9 years ago – back when we were just dating and before we could even think of getting married.

“Story behind this photo – Coachella. 2010. I was so excited to watch @sheandhim live for the first time. I am a huge fan. Traffic was horrendous and I decided to get out of the car and sprint my way across the grounds to the outdoor theatre just to make it.

“When I got there, they had JUST finished their performance. I was devasted and this is how he found me – in tears. He gave me a hug, comforted me and it helped and I felt so loved (even without him telling me he loved me yet)…

“And now, after 9 years and now as my husband, I still get those kind of hugs… and IT IS ENOUGH to make all well. No matter what I’m dealing with in life.

“I guess I’m getting all mushy and wanted to make an appreciation post for my husband who put up with my whiney baby-ness this whole trip. Je t’aime mon amour.

“As you told me this morning, as you hugged me again, I’ve never been loved this much before and it’s true and I will eternally be grateful to the Lord for sending you to me.

“Here’s to more of those kind of hugs and adventures together… we may have missed out on coachella but Yosemite and having the best wine in Napa was worth it and I wouldn’t have wanted it any other way.

“Here’s to celebrating love and I hope you, who took the time to read this, find that one person (if you haven’t yet) who can give you ‘those’ kind of hugs! Happy Easter everybody!” ang caption ni Anne na tatagos talaga sa puso mo dahil sobrang inspiring at ang wish nga ng kanyang female followers ay makatagpo rin ng isang Erwan sa buhay nila.