Baby Zia, NAG-AARAL na!

Marian Rivera

SAKTO sa birthday ni Marian Rivera-Dantes sa August 12 ang farewell episode ng daily show niyang Yan ang Morning.

Sabi ni Marian kahapon sa set ng kanyang Kapuso morning show, for one season lang talaga ang usapan nila sa Yan ang Morning pero pinakiusapan siyang i-extend na ito at paabutin sa birthday niya.

Nilinaw ni Yanyan na hindi na-cut short ang show dahil lumagpas pa sila sa napag-usapang one season.

At saka masaya raw ang management dahil laging full load ang ads ng show.

Nagpapasalamat si Yan sa GMA na panay pa rin ang offer sa kanya ng mga show, pero pass muna siya sa teleserye dahil may gagawin na si Dong.

Si Dong na lang muna dahil dalawa na silang wala lagi sa bahay ‘pag nagkataon.

Gagawa pa rin daw siya ng soap, pero ta-timing lang siya. Baka after nu’ng kay Dong, siya naman. Basta huwag lang silang sabay.

Mamamatay na ang karakter ni Yan na si Reyna Mine-a sa Encantadia, pero feeling niya ay susulput-sulpot pa rin siya sa nasabing telefantasya.

Nasa Sunday PinaSaya pa rin naman siya tuwing Linggo, pero pahinga muna si Mrs. Dantes dahil gusto niyang mag-focus sa anak nilang si Zia.

Rest muna siya nang konti dahil ayaw niya na lumalaki ang anak niya, tapos ay hindi niya nakikita. So pipiliin niya munang magpaka-nanay ngayon.

Baby Zia Dantes
Baby Zia Dantes

Medyo nalerky kami sa kuwento ni Marian na nag-aaral na ang 8-month-old daughter nilang si Zia.

Pumapasok na ito sa school kasama sila ni Dong, na mostly ay nakikinig ng music si bagets at ginagaya ang sounds ng iba’t ibang animals.

Sey ni Yan, pinasok nila roon para lang hindi ito takot sa mga tao at ma-develop ang personality nito.

Hirit niya pa, ‘pag one year old na si Zia ay baka mag-piano lessons na si bagets.

Ang mga bata raw talaga ngayon ay ang aagang nagsisimulang mag-aral.

In fairness ay mabilis daw turuan ang napaka-cute na bagets. Marunong na itong mag-‘rat face’ at gayahin ang mga sinasabi nila ni Dong.

***

Simple lang ang selebrasyon ng 36th birthday ni Dingdong nu’ng Agosto 2 dahil ganu’n ang

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

gusto ng mister niya, sabi ni Marian.

May pina-setup lang siya somewhere in Magallanes na boodle fight lunch.

Kumpleto ang mga pami-pamilya nila na nagsalu-salo sa panang­halian.

Tapos nu’ng gabi ay nag-bonding silang mag-asawa with Baby Zia saka sila nag-dinner sa Shangri-La.

Ang birthday gift ni Yan kay Dong ay isang Lladro figurine ng isang father na may hawak na bata. Aniya, simbolo ‘yon kung gaano ka-dedicated na ama si Dong.

Sa 32nd birthday naman ni Yan sa August 12 ay aalis sila. Kumpleto ang pamilya niya at pamil­ya ni Dong, magbi-beach silang lahat na malamang ay sa Palawan.

Sa September ang first out of the country trip ni Zia. Pupunta sila ng Amerika dahil may shows doon ang DongYan.

Sa September 23 ay sa San Francisco ang DongYan Laugh Trip sa America. September 24 ay sa Anaheim, California.

Kasama nila sa show sina Boobay, Ate Gay at Boobsie.

Ang birthday wish ni Yan ay pagtibayin pa ng Diyos ang pagsasama nila ni Dong.

Wala na siyang mahihiling pa dahil napaka-supportive ng mga pamilya nila, masaya silang mag-asawa at sobrang kuntento sa buhay.

At saka isa pa, “More Zia’s to come!” sabi ni Yanyan.

Pero ayaw niya munang pag-usapan na gusto na niyang magka-baby ulit dahil baka malokah raw ang GMA.

Pero ‘yun daw talaga ang plano niya, sabay tawa.