Baby Zia, nagpa-good vibes sa photo shoot ni Marian

marian-zia

NAPAKABIBO na ng Dantes princess na si Baby Zia.

Nagpalaganap siya ng cuteness sa GMA nang sumama ito sa kanyang Mommy Marian para sa photoshoot ng Super Ma’am.

Ikinatuwa ng netizens ang litrato ng bagets na nakanguso sa standee ng kanyang Daddy Dingdong.

Kalong ni Marian ang kanyang anak at halatang hindi niya makuhang mawalay nang matagal sa kanyang chikiting kaya inilibot ito sa Kapuso Network.

In fairness sa DongYan, kinakaya nila ang work-life balance. Hindi nila napababayaan ang anak kahit nagtatrabaho sila.

***

Umariba sa ratings ang bagong primetime serye ng GMA 7 na Korean Jagiya.

Nakakagaan ng paki­ramdam sa manonood ‘pag nakikita ang malambing na mukha ni Heart Evangelista, at bukod pa riyan ay ang cute & fresh na si Ale­xander oppa!

Todo relate ang viewers sa karakter ni Heart na patay na patay sa kanyang Korean idol.